Thursday, April 19, 2012

Extremely Loud, Incredibly Close

Based on the acclaimed novel of the same name, "Extremely Loud & Incredibly Close" tells the story of one young boy's journey from heartbreaking loss to the healing power of self-discovery, set against the backdrop of the tragicevents of September 11. Eleven-year-old Oskar Schell is an exceptional child: amateur inventor, Francophile, pacifist. And after finding a mysterious key that belonged to his father, who died in the World Trade Center on 9/11, he embarks on an exceptional journey--an urgent, secret search through the five boroughs of New York. As Oskar roams the city, he encounters a motley assortment of humanity, who are all survivors in their own ways. Ultimately, Oskar's journey ends where it began, but with the solace of that most human experience: love.


Feel Good movie... shed a tear or two. ;)

Paano nga ba Magmahal?

Paano nga ba magmahal?

The greatest thing you’ll ever learn is to love and be loved in return.

Pagbigyan niyo na ako, minsan-minsan lang ako magsulat ng ganito.

Di ako senti o emo ngayon, pero may nagtanong sa akin kung paano ba magmahal. Magmahal; root word -MAHAL sa english LOVE, magmahal sa english TO LOVE, mahirap ipaliwanag pero madaling malaman. Lahat naman tayo nabubuhay sa gitna ng pagbabakasali, to love is to risk sabi nga nila. Pag handa ka ng magmahal, dapat handa ka na ring masaktan. Expect the unexpected. Masarap magmahal. Masakit masaktan.

Pero, talaga bang ganyan pag nagmahal ka?

May isang akong kaibigan, sabi nya dati "Love is only for stupid people". Nakakatawa kasi parang proud pa niyang sinasabi yun, pero dumating ang panahon, na in-love din ang mokong at ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron. O kaya minsan, nagiging moron na lang.

Nagbabago ang iyong mundo pag umiibig ka, lahat ng bagay nababaliktad. Lahat ng malalakas, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas lumalambot o kaya'y ang malalambot ay kusang tumitigas.( parang medyo bastos ito) Kahit nga henyo ay nauubusan ng sagot.

Sa una masarap ang pakiramdam pag in-love ka, Cloud 9 ang feeling. Lagi kang ngumingiti ng walang dahilan, lagi mo siyang iniisip, oras-oras mo siyang kausap, gusto mong lagi mo siyang kasama. Sana'y wala ng katapusan. Ito ang alapaap.

Pero pag nagkahiwalay kayo, eto na ang sakit. Doon mo mararamdaman na parang kinukurot o dinadaganan ang puso mo tuwing naalala mo sya, wala kang magawa kundi huminga sa iyong bibig dahil sa bigat ng iyong nararamdaman. Di makatulog. Di makakain. Wala kang gana. Tulala. Oo, depression ang tawag dun. Parang nawala ka sa yong sarili. Ang sakit-sakit.

Ang dami mong tanong kung bakit humantong lahat sa wala.

Nakakapikon di ba?

Pero sabi nga nila- Time heals.

"Nakakapagod magmahal, lalo na kapag ginawa mo ang lahat para sa kanya, pero di ka pa rin niya mahal, pero mas nakakapagod kung di ka na nga niya mahal, patuloy ka pa rin nyang sinasaktan" Ouch! Masarap bang maging martir sa pag ibig? Bakit ba natin ito ginagawa? Masarap bang pagtawanan ang mga taong alam naman nilang masasaktan sila e, magpapahulog pa rin sa bangin ng pag-ibig? Kailan ba napapagod ang puso?

Kailangan ba nating magtira sa ating sarili ?

Kailan nga ba tayo matututo?

Iniisip mo bang nakakalungkot mag-isa?

Leche di ba.

Mauubos ang buong araw ko kakasabi sa mga bagay na nakakatawa pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Madaming beses ko na kasi siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ako.

Pero sa totoo lang, wala pa rin akong alam.

So, paano nga ba ako magmahal?- Di ko alam.

Pero para masabi mo na nagmamahal ka na , dapat mahalin mo muna ang sarili mo. Malalaman ko lang siguro ito kapag nagsasalita na mag-isa ang puso ko at kapag may sariling utak na ito.

Nakakatawa ba?

Nakakaiyak.

Ikaw, paano ka ba magmahal?


PS: Ang post na 'to ay alay ko para sa mga taong nagmamahal, nasasaktan at umaasa.

Tabi-tabi muna kayo baka may matamaan! =)

credits Coldman (Anukayayun)

I stopped reading.

I read smoking was bad so I stopped smoking, I read drinking was bad so i stopped drinking, I read sex was bad so I stopped reading. Hmmmm...

Bilbiling

MUKHA yatang masyadong nalilibang sa kanyang love life ang magaling na dancer na si Milagring, kaya nu’ng magsayaw sila nina Luningning at Mariposa sa Wil Time Bigtime ay ibang-iba ang kurbada ng kanyang katawan, parang kapanganganak lang niya sa sobrang laki ng kanyang tiyan.

Ang dami-dami naming nakatutok sa WTBT, nang lumabas na ang tatlo ay isa lang ang naging reaksiyon naming lahat, ano na ang nangyari kay Milagring?

Habang seksing-sexy pa rin sina Luningning at Mariposa ay nagmumura naman sa laki ang tiyan ni Milagring, may mga kuha pa namang patagilid ang mga camera, kaya sa halip na ang mga dibdib niya ang mapansin ay umaagaw ng eksena ang kanyang bilbil na pagkalaki-laki.

Walang masama kung hindi na siya sumasayaw at hindi na siya napapanood ng publiko, hindi naman krimen ang magkaroon ng nagmumurang bilbil, pero nandito pa rin siya at may inaalagaang career.

Nakakaasiwa siyang panoorin habang sayaw nang sayaw na galaw din nang galaw ang malaki niyang tiyan, kailangan niyang bigyan ng panahon ang pag-eehersisyo, para tulad nina Luningning at Mariposa ay mapanatili niyang maganda ang hubog ng kanyang katawan.

Credits to MyBulgar.