Thursday, April 19, 2012

Paano nga ba Magmahal?

Paano nga ba magmahal?

The greatest thing you’ll ever learn is to love and be loved in return.

Pagbigyan niyo na ako, minsan-minsan lang ako magsulat ng ganito.

Di ako senti o emo ngayon, pero may nagtanong sa akin kung paano ba magmahal. Magmahal; root word -MAHAL sa english LOVE, magmahal sa english TO LOVE, mahirap ipaliwanag pero madaling malaman. Lahat naman tayo nabubuhay sa gitna ng pagbabakasali, to love is to risk sabi nga nila. Pag handa ka ng magmahal, dapat handa ka na ring masaktan. Expect the unexpected. Masarap magmahal. Masakit masaktan.

Pero, talaga bang ganyan pag nagmahal ka?

May isang akong kaibigan, sabi nya dati "Love is only for stupid people". Nakakatawa kasi parang proud pa niyang sinasabi yun, pero dumating ang panahon, na in-love din ang mokong at ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron. O kaya minsan, nagiging moron na lang.

Nagbabago ang iyong mundo pag umiibig ka, lahat ng bagay nababaliktad. Lahat ng malalakas, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas lumalambot o kaya'y ang malalambot ay kusang tumitigas.( parang medyo bastos ito) Kahit nga henyo ay nauubusan ng sagot.

Sa una masarap ang pakiramdam pag in-love ka, Cloud 9 ang feeling. Lagi kang ngumingiti ng walang dahilan, lagi mo siyang iniisip, oras-oras mo siyang kausap, gusto mong lagi mo siyang kasama. Sana'y wala ng katapusan. Ito ang alapaap.

Pero pag nagkahiwalay kayo, eto na ang sakit. Doon mo mararamdaman na parang kinukurot o dinadaganan ang puso mo tuwing naalala mo sya, wala kang magawa kundi huminga sa iyong bibig dahil sa bigat ng iyong nararamdaman. Di makatulog. Di makakain. Wala kang gana. Tulala. Oo, depression ang tawag dun. Parang nawala ka sa yong sarili. Ang sakit-sakit.

Ang dami mong tanong kung bakit humantong lahat sa wala.

Nakakapikon di ba?

Pero sabi nga nila- Time heals.

"Nakakapagod magmahal, lalo na kapag ginawa mo ang lahat para sa kanya, pero di ka pa rin niya mahal, pero mas nakakapagod kung di ka na nga niya mahal, patuloy ka pa rin nyang sinasaktan" Ouch! Masarap bang maging martir sa pag ibig? Bakit ba natin ito ginagawa? Masarap bang pagtawanan ang mga taong alam naman nilang masasaktan sila e, magpapahulog pa rin sa bangin ng pag-ibig? Kailan ba napapagod ang puso?

Kailangan ba nating magtira sa ating sarili ?

Kailan nga ba tayo matututo?

Iniisip mo bang nakakalungkot mag-isa?

Leche di ba.

Mauubos ang buong araw ko kakasabi sa mga bagay na nakakatawa pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Madaming beses ko na kasi siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ako.

Pero sa totoo lang, wala pa rin akong alam.

So, paano nga ba ako magmahal?- Di ko alam.

Pero para masabi mo na nagmamahal ka na , dapat mahalin mo muna ang sarili mo. Malalaman ko lang siguro ito kapag nagsasalita na mag-isa ang puso ko at kapag may sariling utak na ito.

Nakakatawa ba?

Nakakaiyak.

Ikaw, paano ka ba magmahal?


PS: Ang post na 'to ay alay ko para sa mga taong nagmamahal, nasasaktan at umaasa.

Tabi-tabi muna kayo baka may matamaan! =)

credits Coldman (Anukayayun)

No comments:

Post a Comment